BABAE KA Ni:ANI MONTANO
NOVEMBER ,17 2021
BSCRIM 2-E
ROSAL,FRANCIS JOY B.
PAGTATAYA
NARITO ANG GABAY SA PAGSUSURI AT HUWAG KALIMUTAN NA ILAGAY PARIN SA INYONG GINAWANG BLOG ANG MGA SUMUSUNOD NA SAGOT SA PAGSUSURI.
1.)PAANO INILALARAWAN ANG BABAE SA AWIT.
SAGOT: Inilalarawan ang babae bilang isang napakagandang dalaga at kayang lumaban at ipagtatanggol sa sarili at mga karapatan nito bilang isang babae.
2..)SANG -AYON KABA SA SINABI SA AWIT NA ANG BABAE AY MAGANDA LANG ANG PAKINABAG AT SA BUHAY WALANG ALAM ? IPALIWANAG.
SAGOT: Ako ay hindi sang ayon sa pahayag na ang mga babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay ay walang alam. Mahalaga ang gampanin ng mga babae sa buhay at hindi biro ang mga ginagawa nila sa araw araw na pamumuhay. Naniniwala rin ako sa kasabihang kung kaya ng lalaki ay kaya rin ng babae. Sa lakas man ay lamang ang mga lalaki ngunit pagdating sa diskarte ang mga babae ay hindi papahuli. Marami ring gawain na babae lamang ang makakagawa gaya na lamang ng pagiging isang ilaw ng tahanan ng isang pamilya at ang walang pagod na pagsisikap bilang isang ina.
3.MAGBIGAY NG MGA HALIMBAWANG NAGPAPATUNAY NA KAYA NG BABAENG IPALIWANAG ANG KANYANG KARAPATAN AT KALAYAAN.
SAGOT: Dati ang mga babae ay walang posisyon pagdating sa pamumuno dito sa pilipinas. S iCorazon Aquino, ang kauna unahang babaeng naging pangulo ng pilipinas ay isa sa mga halimbawa na ang mga babae ay may kakayahang makipagsabayan at maipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga babae. Ang grupong Gabriela naman ay isang grupo ng mgakababaihan na binuo para maipaglaban ang karapatan ng mga babae sa lipunan. Isa rin na aking maihahalimbawa ay ang kondisyon ng mga babae ngayon sa kasalukuyan ito ang pakikipagsabayan na rin ng mga babae pagdating sa paghahanap buhay at sa pagtataguyod na ng kanilang pamilya.
4.ANO -ANO ANG PAYO NG MAY-AKDA NG AWIT SA MGA BABAE?
SAGOT: Ipinapayo ng may-akda na dapat ang mga babae ay marunong makipagsabayan at ipaglaban ang kanilang mga karapatan at ang kalayaan. Hindi dapat maging hadlang ang pinto ng pag unlad na laging nakasara dapat ito ay harapin, buksan at matutong ibangon ang pagkatao.
5.AYON SA AWIT, BAKIT HINDI NAKIKITA ANG HALAGA NG MGA BABAE? UMIIRAL PA RIN BA SA KASALUKUYANG ANG MGA AKALA?
SAGOT: Bihira nalang ang mga ganitong paniniwala sa kasalukuyan dahil sa panahon ngayon, ang mga babae ay mas may kalayaan at kakayahan ng lumaban. Hindi na maituturing na mahinaang tingin sa mga babae dahil sa sila ay marunong na ring makipagsabayan sa realidad namayroon ang lipunan. Kung may babae man na hindi na nakikitaan ng halaga sila ang mga babaeng walang bilib sa kanilang sariling kakayahan at nananatili na lamang na maging isang sunod-sunuran. Nakakalungkot man ang mga ganiton sitwasyon pero mas mabuti sa ating lipunan kung lahat ng tingin sa tao ay pantay pantay ano man ang kasarian na mayroon
MUNGKAHING GAWAIN: