ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO
BSCRIM 1-E
ROSAL,FRANCIS JOY B.
Gabay sa Pagsusuri
Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:
ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO
1.) Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?
SAGOT ➔Ang karamihan ay sinasabing ang pagiging bading o bakla ay kasalanan sa maykapal dahil ang lalaki ay sa babae at ang babae ay sa lalaki lamang. Ngunit marami sa mga ito ang masaya sa pagiging bakla o kung ano man sila. Ipinapaunawa lamang ng may-akda na ang ikot ng mga taong may ibang kaanyuan o pagiging dalawang kasarian.
2.) Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?
SAGOT ➔Ito ang mga kalalakihang may pusong babae. Patuloy sila sa kanilang buhay sa likod ng mga suliranin ng pinili nilang landas ng kasarian. Kasarian na hindi matanggap-tanggap ng marami dahil ito ay kasalanan at kaiba sa nilalang ng maykapal at hindi kaaya-ayang tigna sa lipunan.
3.)Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.
SAGOT ➔Marami sa miyembro ng ating lipunan ang nagsasabi na ang pagiging bakla ay salot. Ngunit hindi nila maunawaan ang dahilan sa likod ng kanilang kasarian. Ang dati nilang paniniwala na patuloy pa rin nilang pinaniniwalaan at dini-discriminate ang kapwa ay isang pagkakamali. Ngunit sa kabilang banda, kung sino pa iyong tinatawag nilang salot ay sila pang mas may naitutulong sa lipunan at nakakapagpasaya kapag sila ay malungkot. Kailangan lang nating tanggapin at i-welcome sila sa ating lipunan. Ngunit bakit tila marami pa rin ang hirap na tanggapin sila? Marahil sila ay nasasapawan o nauungusan? Marahil din ay hindi nila masabayan ang kakanyahan o abilida na mayroon ang mga bakla na kanilang nilalait.